Here are the Top Graduates of Batch 2018 According to Facebook

Pop | 57,821 views

Here are the Top Graduates of Batch 2018 According to Facebook

Started at Krusty Krab, now we here.

| April 5, 2018

4. Ricardo Dalisay

We’ve all witnessed his ups and downs, and waited long (TOO. LONG.) to see him at the end of his journey. In the meantime, let’s witness his graduation (because we believe that this is not yet the end of his trials):


“Namatay na anak nyan di na yan gagraduate!”
“Iniwan na yan ni Alyana di na yan gagraduate!”
“Wanted yan! Terorista yan!”

Nung una di rin ako naniwala na gagraduate ako. Sa dami ng mision ko pati buong Pilipinas nastress din saken.
Pero gayun paman, nagpapasalamat ako kay Lola Flora. Ilang taon na syang nag-aalala sakin pero di nya pa rin ako iniwan. Salamat din kay Alyana. Dahil lumabas na din ang tunay mong kulay. Maputi ka pala talaga.😂
At higit sa lahat, sa barkada ko💕 PULANG ARAW na ngayon ay VENDETA na😊
Kayo ang naturo sakin kung paano sumabak sa gyera na hindi nauubusan ng bala. At masugatan ng sobra pero di namamatay. Siguro kinakantahan nyo ako ng “Mikeni mikeni dug dug doremi fa so la ti do” aii ewan basta ganon.
Thank you din sa mga fans at kalaban ko. Basta sa mga supporters ko, wag kayong mag-alala
“IISA-ISAHIN NATIN SILA!”

RICARDO DALISAY
BS Eternal Life
Major in Bakbakan (pctto)

Credits to Alderf P De Angelo

 

3. Daniel Padilla

He’s got a lot of haters, but proving them wrong seems like his best revenge. Scroll down to read his graduation speech:


“Halimaw yan!”
“Kampon yan ni Sandrino!”
“Yan ang nagtangka sa buhay ng punong-bantay.”
“Mahilig yan sa dinuguan!”

Iilan lamang yan sa panghuhusga na aking naranasan simula noong ako’y pumasok sa kolehiyo.

Mapait ang buhay namin noon. Di ko maano… talagang hirap kami, syempre. Palipat-lipat, walang pambayad ng renta. Tatlong buwan kang hindi nakakabayad. Minsan hindi umaabot yung kita mo or sweldo mo.

Syempre, una nakakalungkot dahil syempre, yung mga kaibigan mo, nandun diba. All of a sudden, aalis ka. Sobrang pait nung hindi ko nagampanang bayaran yung kuryente. Alam ko, alam ko na wala talagang budget pambayad ng kuryente. Hindi madaling mag… bumuhay ng apat na anak, at mag-isa lang ang nanay ko. Pero bilib pa rin ako kay mama. Sa gitna ng pait, smile pa rin s’ya.

Doon ko nakita na dapat hindi nega. Dapat positive. Na kahit nakakapagod, kahit mahirap, alam kong kakayanin. Kasi, anumang pait ng buhay, kaya ‘tong pasarapin.

Parang Nescafé Creamy White. Ito lang ang may Néstle Milk. Walang pait. Lahat ng pagod, lahat ng narating ko… para kay mama.

Tinanggal namin ang pait para makabangon kami. Ikaw? Para kanino ka bumabangon?

(CTTO) Vin

Credits to Christopher Magno

 

2. Dora the Explorer

Often seen as a bad influence by the parents of her classmates, Dora proved that learning is not limited to the four walls of the classroom. Read her inspiring story here:


“Ang bata bata pa puro gala”
“Lakwatsera naman ‘yan”
“Puro gala nasa isip n’yan”
“Kaya negra ‘yan kasi gala ng gala”
“Nilalandi niyan ‘yung pinsan niya”
“Kung saan saan pumupunta wala namang pera”
“May scandal yan e”

Yan ‘yung laging naririnig ko sa tuwing pumapasok ako ng school namin. Oo gala ako ng gala pero nabibigyan ko naman ng maganda grades yung mga magulang ko, e ikaw? (charot) Si Diego na pinsan ko nilalandi ko? Namali ata kayo ng balita, ako yung nilalandi niya hehehehe. Ano ngayon kung gala ako ng gala nang walang pera? Ikaw ba yung maliligaw? :—( Dami daming problema sa mundo pero ‘yung paglalakwatsa ko yung laging napapansin niyo haaaays :—( Pero hindi naging hadlang yon sa pagkamit ng pangarap ko (wow) isa yun sa mga naging inspirasyon ko habang ako’y nag-aaral pa kaya sa mga nagsasabing di ako makakapagtapos dahil gala ako hu u kayong lahat hAHAHAHAHAHAHAHA.

Sa nanay at tatay ko na nandyan simula nung bata pa ako. Salamat po dahil kung wala kayo wala rin ako. Para po sa inyo ang tagumpay na ito :—) luvyu mama at papa

Kay Map na laging nandyan para gabayan ako kung saan man ako pumupunta, ikaw nagbigay direksyon sa buhay ko veh luvyu

Kay backpack na laging nandyan tuwing may kailangan ako baka iniisip mo kinakausap lang kita pag nangangailangan ako ah? Hindi veh mahak na mahak den keta oki? Pati ref ng bahay nagkasya sayo kalain mo yun?

Kay Diego na pinsan ko, hi vro wag tau papakavogue sa mga bashers oki? Alam naman natin yung totoo ndi bA?? tenkyu kasi sinasama mo ako minsan sa mga gala mo kasama yung mga hayop mo labyu insan

At kay Boots na lagi kong kasama simula bata pa maraming salamat sayo fren mahak na mahak keta yiee I love you so much frennyq

So ayun bakit ko to pinost? para mainspire kayo grumaduate/mag-aral (jsjaja) HAHHAHAHA wag puro gala ng gala lezz aral aral din and make our parents proud hOoOoooLoOooL 💩

Dora Montefalco
BS in Batis
Summa Cum Laude

“LAKWATSERA PERO GAGRADUATE”

Credits to Dora Montefalco

 

1. Bobbie Salazar

She’s not the favorite daughter, and she knows she’s lacking in skills. But that’s what inspired her to become the woman she is now. Read Bobbie’s speech below:


“Nag America lang ang yabang na.”

“Hindi yan gagraduate kasi parang kasalanan nya, parang kasalanan nya.”

Yan lahat narinig ko mula sa mga tao sa paligid ko. Pero wala kayong alam sa nararamdaman ko, so don’t give comments about my personal life because I don’t give comments about yours.

Gusto ko lang gamitin ang moment na ito para sabihing sana nga nagkaroon ako ng sense of humor ni Teddie. Bentang benta kasi sa akin ‘yon. Bentang benta rin kay Mama. Kaya nga siguro lahat ng atensyon niya nasa kanya.

Ma. I’m saying you have your favorites. And that’s okay. That’s okay. Tinanggap ko naman eh. Kasi ang importante sa’kin binuhay niyo ako, pinakain niyo ako, pinag-aral niyo ako, binihisan niyo ako, kayo ni papa. And that’s good enough for me. And I’m sorry kung matigas man ako sa paningin niyo, kung malamig ako sa inyo. I’m sorry. Kasi pinili ko maging gano’n. Kinailangan kong maging gano’n. Lalo na ‘yung pumunta akong New York para magtrabaho. Kaya kahit gustong gusto kong umuwi kasi ang lungkot. Ang hirap hirap mag-isa. Pero lahat yun tiniis ko. Nagpakatatag ako. Nagpakatigas ako. Kasi kailangan ko. Pero di dahil matigas ako wala na akong pakiramdam. Na hindi na ako nasasaktan. Nasasaktan naman ako.

Roberta ‘Bobbie’ Salazar
B.A Communication Management
Cumlaude

“WALANG SENSE OF HUMOR NI TEDDIE, WALANG MATERNAL INSTINCT NI GABBIE, HINDI ADVENTUROUS GAYA NI ALEX PERO GAGRADUATE”

Credits to: Tophee Marquez

 

Which graduate do you think has the most inspiring back story? Share with us in the comments section below!