Fact or Fiction: 8 Signs Para Malaman Kung AI-Generated Ba Ang Content na Pinapanood Mo
Jul 2, 2025 • E. Torres
Jul 2, 2025 • E. Torres
ChatGPT, DALL-E, Midjourney, Google Veo 3. Ilan lang ‘to sa mga tinatawag na generative AI tools, isang uri ng artificial intelligence na kayang mag-generate ng samu’t saring output gaya ng texts, images, audio, at maging videos sa pamamagitan ng mga prompt na ibinibigay ng user.
But every technological advancement comes with its drawbacks. Naglipana ngayon sa social media ang mga tao na ginagamit ang AI upang magpakalat ng mali o misleading information. AI is here to stay, pero may mga hakbang na pwede mong gawin upang maging mas mapanuri sa lahat ng nakikita mo, AI-generated man o hindi.
If the image or video you’re seeing looks straight out of the uncanny valley, it’s 99.99% likely to be AI-generated. Ilan sa mga bagay na pwede mong tignan mabuti ay kung masyadong mahaba ang mga daliri, hindi pantay na mga mata, unusual na hugis ng mukha, o kaya naman ay almost too perfect ang itsura—walang visible pores, texture, o blemishes.
@gaglegittrading1 #ai #aistreetinterview #tralaleotralala ♬ original sound – AI Street Interviews – bosskurt11
Isa sa mga dead giveaway ng AI-generated content ay ang backgrounds. Madalas ay sobrang blurry o di kaya naman weird ang itsura. Kung may mga signage, mahirap bigkasin at basahin ang nakasulat. They could also be gibberish. Pagdating naman sa lighting, hindi tugma ang shadows sa lighting.
@itstechnologiaGoogle’s new AI video model, Veo 3, creates videos and sound from just a single text prompt for each clip. These clips are then pieced together like a normal video. The people training this model are doing an amazing job! Veo 3 makes everything—movement, sound, physics, and dialogue—look and feel super realistic, crossing that weird “uncanny valley” vibe. Is your grandma ready for how real this looks? – @laszlogaal_♬ original sound – itstechnologia
One major red flag of an AI-generated video is the unnatural smoothness of its movements. Sa simpleng pagkaway o paglalakad, halimbawa, ay perfectly synchronized. Minsan ay hindi kumukurap.
Kabaligtaran ‘to ng mga nakikita natin sa totoong buhay dahil ang galaw ng isang tao ay mas random. Tandaan na ang AI ay walang firsthand experiences. Wala itong physical body. Lahat ng output na ginagawa ng AI ay base sa mga pattern ng milyon-milyong data na meron ‘to.
@nanayaida1 back up si nanay aida sa avengers #googleveo #fyp #viral #trending #aigenerated #ai #veo3 #nanayaida ♬ original sound – arlynAI
Kapag pinanood mo ang isang AI-generated video, mapapansin mo agad na masyado itong maikli para magbigay ng maayos at malinaw na konteksto. Ang Google Veo 3, halimbawa, ay kaya lamang mag-generate ng eight-second clips, at least for now.
Dahil dito, nagmumukhang highlight reel at interesting ang ipinapakita sa video. Mas mahirap din para sa audience na magkaro’n ng malinaw na konteksto dahil natatabunan ito agad ng visually appealing elements.
@chloejaynegraham #CapCut I have SO many questions, what just happened!! #aitrend #tiktok #fyp #CapCut ♬ original sound – Sophia Enriques
Hikaw, kwintas, wristwatch, sapatos—ilan lang ‘to sa mga karaniwang palpak na nagagawa ng mga AI platform. Kung susuriing mabuti, mapapansin mo na out of place o hindi pantay ang posisyon ng mga accessory sa isang AI-generated content. Ito’y dahil walang konsepto ng spatial awareness ang AI. Ibig sabihin, nakabase lamang ang AI sa statistical patterns at hindi sa natural na anatomy ng tao.
@musicnovaa Self Control – lip sync by Ai #music #lyricsvideo #englishthroughsongs#beautifulgirls #AI ♬ Self Control – Laura Branigan
Ang deepfake content ay madalas nagpapakita ng mismatch between the audio and video. Sa totoong buhay, wala kang makikitang tao na hindi tugma ang timing ng bibig sa mga salitang sinasabi nila.
@inventbeast How Deepfake Tom Cruise Took Over the Internet #ai #deepfake #tomcruise #fyp ♬ Mission – Memê no Beat
Although hindi lahat ng videos with low resolution ay AI-generated, pwedeng gamitin ang low resolution para magmukhang mas kapani-paniwala ang output. Sa pamamagitan nito, naitatago ang mga common imperfection na hindi agad nakikita tulad ng incoherent lip movements, glitches, at maling angles.
@freezerkoh #veo #veo3 #artificialintelligence #aigenerated #aivideo #ai #googlegemini ♬ original sound – Kikhz
Ang AI ay patuloy na mag-i-improve at magiging mas accurate sa mga darating na taon. Is that good or bad? Well, depende ‘yan sa usage ng AI.
Kaya bago maniwala o i-share sa social media ang anomang nakikita mo, tignan mo muna kung meron ba itong credible source.
Dapat maging responsible tayong lahat sa pagbabahagi ng mga impormasyon na nakikita natin, lalo na kung ito’y tungkol sa edukasyon, kalusugan, politika, at iba pang mahalagang isyu sa ating lipunan.
Follow 8List.ph on Facebook, X, Instagram, Tiktok, and Youtube for the l8est entertaining, useful, and informative lists!
Input your search keywords and press Enter.