8List.ph
  • News
    • Showbiz
    • Opinion
    • Sports
    • Profiles
    • Weird
  • Adulting
    • Career
    • Money
    • Health
    • School & Learning
    • Relationships
  • Pop
    • Movies & TV
    • Music
    • Books
    • Games
    • Theater
    • Retro
    • K-World
  • Lifestyle
    • Style
    • Beauty
    • Food & Drink
    • Nest
    • Tech
    • Travel
    • Pinoy
  • Videos
    • Slam8ook
    • Isabuhay Ang Panata
    • 8list Plays
    • Archives
      • 8List Asks
      • 8List Explores
      • 8List Presents
      • 88 Seconds
      • 8secs
      • Filgood
      • Kaya Today!
      • Pagsubeks
      • #8MinutesWith
      • YOUth DECIDE
      • Str8 Up with Delamar
      • Toughest Job 2016
  • Breathe
  • About
  • Sitemap
  • Advertise
  • Privacy
  • Archive
  • Bitesized.ph
  • Windowseat.ph

 

 

 

8List.ph is published by ID8, Inc.

Subscribe
8List.ph
8List.ph
  • News
    • Showbiz
    • Opinion
    • Sports
    • Profiles
    • Weird
  • Adulting
    • Career
    • Money
    • Health
    • School & Learning
    • Relationships
  • Pop
    • Movies & TV
    • Music
    • Books
    • Games
    • Theater
    • Retro
    • K-World
  • Lifestyle
    • Style
    • Beauty
    • Food & Drink
    • Nest
    • Tech
    • Travel
    • Pinoy
  • Videos
    • Slam8ook
    • Isabuhay Ang Panata
    • 8list Plays
    • Archives
      • 8List Asks
      • 8List Explores
      • 8List Presents
      • 88 Seconds
      • 8secs
      • Filgood
      • Kaya Today!
      • Pagsubeks
      • #8MinutesWith
      • YOUth DECIDE
      • Str8 Up with Delamar
      • Toughest Job 2016
  • Breathe
  • #YouDecide

Ano Ba Talaga ang Ginagawa ng Isang Senador? 8 Bagay na Dapat Alam ng Bawat Pinoy

  • Posted on Mar 14, 2025Mar 18, 2025
  • 3 minute read
  • Cristina Morales
Total
0
Shares
0
0
0

Ano Ba Talaga ang Ginagawa ng Isang Senador? 8 Bagay na Dapat Alam ng Bawat Pinoy

Mar 14, 2025   •   Cristina Morales

Naisip mo na ba kung ano ba talaga ang ginagawa ng mga senador bukod sa pangangampanya at pagiging news headline? Kung first-time voter ka o curious lang kung saan napupunta ang buwis mo, eto ang mabilis na explainer ng mga dapat ginagawa ng mga senador.

(Kung gusto mo ng deep dive, nasa Article VI, Section 2 ng Constitution ang mga detalye ng tungkulin nila, pero ito na ang TL;DR version.)

READ THIS IN ENGLISH:

What Does a Senator *ACTUALLY* Do? 8 Things EVERY Filipino Should Know
What Does a Senator *ACTUALLY* Do? 8 Things EVERY Filipino Should Know
Cristina Morales | Mar 11, 2025

 

1. Gumagawa sila ng batas

Pag pinag-uusapan ang duties ng isang senador, ang unang naiisip mo siguro ay ang paggawa ng batas — at oo, tama ka diyan. Ang mga senador ang nagda-draft, nagde-debate, at bumoboto ng mga panukalang batas tungkol sa iba’t ibang issue, gaya ng healthcare reforms o environmental laws. Kapag nakapasa na ang isang bill sa Senado at House, puwede na siyang maging batas.

Pero ‘di lang ‘yan ang ginagawa nila…

 

2. Nag-iimbestiga sila

Minsan, may mga bagay na pumapalya — corruption scandals, public health crises, at kung anu-ano pa. Puwedeng mag-conduct ng investigations ang mga senador “in aid of legislation.” Ibig sabihin, puwede silang mag-gather ng evidence at mag-hold ng hearings para malaman kung nasusunod ba ang mga existing laws o kung kailangan ng bagong batas. Sa madaling salita, sinisigurado ng mga senador na ginagawa ng gobyerno ang trabaho nito.

 

3. Tumutulong sila sa pagdedesisyon ng budget.

May malaking role ang mga senador sa budget ng bansa. Sila ang tumutulong magdesisyon kung saan mapupunta ang taxes — para masiguradong may pondo ang mga programa tulad ng education, healthcare, o infrastructure. Pero ibig sabihin din nito, sila ang nagdedesisyon kung aling programa ang puwedeng tanggalan ng pondo. Kaya kung passionate ka sa isang issue, sulatan mo ang senador mo at ipaalam kung ano ang mga concerns mo.

 

4. Sila ang nag-aapprove (o nagdi-disapprove) ng treaties at international deals

Kapag may international agreement o treaty na naka-pending, ang Senado ang nagdedesisyon kung pasado ba o dapat ibasura ang mga ito. Sila ang tumitimbang kung aligned ba ito sa interes ng bansa.

 

5. Sila ang tagabantay ng Martial Law

Kung sakaling *knock on wood* magulo ang sitwasyon at ma-declare ang Martial Law, ang mga senador ang nagde-decide kung valid ito at kung dapat ba itong magtagal. Sila ang checkpoint para masiguradong hindi abusado ang gobyerno. Malaking bagay ‘yan para sa demokrasya.

 

6. Sila ang humahawak ng impeachment trials

Kung may kaso ng misconduct laban sa gobyerno (gaya ng presidente), ang Senado ang nagsisilbing korte para husgahan kung dapat bang matanggal ang opisyal. Fair dapat ang proseso, ha!

 

7. Kinakatawan nila ang buong bayan

Di tulad ng mga district representatives na naka-focus sa specific na lugar, ang mga senador ay tagasilbi ng buong bansa. Trabaho nila na pakinggan ang concerns ng lahat ng Pilipino, ipaglaban ang mga isyung mahalaga sa atin, at siguraduhing walang maiiwan sa laylayan.

 

8. Tinitiyak nila na may pananagutan ang isa’t isa

Kailangan nilang i-declare ang kanilang financial interests para walang conflict of interest. Sa madaling salita, dapat malinis sila pagdating sa transparency at ethics. ‘Di puwedeng sariling agenda lang ang iniisip.

 

Bakit kailangan mo ‘to malaman?

Malaki ang power ng mga senador sa paghubog ng kinabukasan ng bansa, mula sa education policies hanggang sa paggastos ng taxes natin. Ang boto mo ang magde-decide kung sino ang magdadala ng bigating responsibilidad na ‘to.

Bottom line? Ayusin natin ang pagboto. Kilalanin ang mga kandidato at piliin ang mga tugma sa values mo — at alam mong kayang gawin ang trabaho. Kasi kapag maayos ang trabaho ng mga senador, panalo tayong lahat.

 

Vote wisely, mga kababayan!


Total
0
Shares
0
0
0
Related Topics
  • elections
  • halalan
  • senador
  • senator
  • tagalog
  • taglish
Avatar photo
Cristina Morales

Though a chronic dabbler in whatever tickles her fancy, Cristina claims she can count her passions on one hand: feminism, literature, the environment, embroidery, and the power of a solid pop song. She lives in Uniqlo lounge pants and refuses to leave the house without a winged eye.

Previous Article
  • K-World

Lee Minho Is Returning to Manila, and Tickets Start Selling This Weekend

  • Posted on Mar 14, 2025
  • Meryl Medel
View Post
Next Article
  • Lifestyle

We Got Access to the CLVB – Here’s Everything That Happened

  • Posted on Mar 14, 2025Mar 14, 2025
  • Ina Louise Manto
View Post
You May Also Like
View Post
  • #YouDecide

Elections 2025: A First-Timer’s Guide to Voting in the Philippines

  • Posted on May 5, 2025
  • Ina Louise Manto
View Post
  • #YouDecide

8 Ways Para Kausapin Ang Undecided Voters ng Walang Halong Drama

  • Posted on Apr 22, 2025
  • Edgardo Toledo
View Post
  • #YouDecide

What Does a Congressman Really Do? 8 Things Your District Representative *Should* Be Doing

  • Posted on Apr 4, 2025
  • Meryl Medel
View Post
  • #YouDecide

8 MORE Logical Fallacies Often Used By Political Keyboard Warriors

  • Posted on Mar 25, 2025
  • Tim Henares
senator of the philippines
View Post
  • #YouDecide

What Does a Senator *ACTUALLY* Do? 8 Things EVERY Filipino Should Know

  • Posted on Mar 11, 2025Mar 14, 2025
  • Cristina Morales

Leave a Reply Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Get the l8est delivered right to your inbox.

8List.ph
  • About
  • Sitemap
  • Advertise
  • Privacy
  • Archive
  • Bitesized.ph
  • Windowseat.ph
Your daily dose of entertaining, useful and informative lists.

Input your search keywords and press Enter.