Chinese New Year 2025 Do’s and Don’ts to Attract Good Fortune
Jan 13, 2025 • Angeli De Rivera
Jan 13, 2025 • Angeli De Rivera
Kung Hei Fat Choi! Are you ready to greet the Year of the Wood Snake? Then best to observe these do’s and don’ts during the Chinese New Year celebrations para maraming swerte ang dumating at iwasan ang malas sa darating na 2025.
Sinasabi nila na parang “wi-nawash away mo yung fortune mo” at kung magpagupit naman ay gunigupit mo ang swerte. Pwede mong gawin ito sa araw bago ng Lunar New Year.
Associated ang kulay na pula sa swerte. Magsuot din ng bagong damit dahil ni-rerepresent nito ang bagong taon. Kaya sa CNY, i-ready mo na ang mga bagong mong pula na damit.
Pag gumamit ka raw nito nagiimbita ka raw ng away, gulo, at aksidente.
Kumain ng prutas — tulad ng Mandarin oranges, pomelos, grapes, and apples — para dumami ang abundance at prosperity.
Oo, eto ang araw na pwede kang hindi maglinis. Kasi daw baka mawalis mo ang swerte. Pero wag ka rin magkalat, baka mainis mga kasama mo.
Batiin mo lahat ng makakasama mo sa bagong taon para pumabor sayo ang mga taong binati mo.
Wag kang magpahiram ng pera sa CNY dahil malas daw ito, Siguraduhin din bayad lahat ng utang para maayos at malinis ang bagong taon.
Yes, those red Chinese envelopes with money in it. For sure naka-receive ka nito ng bata ka pero this time ikaw naman mamigay. Balik daw ang swerte sa mga namimigay ng ampao. Make sure lang na even-numbered amount ang ibibigay mo.
What are your favorite Chinese New Year traditions? Tell us about them in the comments below!
When not playing with her baby girl, Angeli loves to just chill with J-Indie and City Pop tracks. A food editor for more than a decade, she still can’t stand cucumber, okra, and avocado. She has, however, made her peace with cilantro — sometimes.
Input your search keywords and press Enter.