What to Do if You’re Stuck at LAbahay this Labor Day Weekend
Apr 25, 2016 • Stu Balmaceda
Apr 25, 2016 • Stu Balmaceda
Kasusuweldo lang, pero hindi maka-Bora. Wala ng sick leave kasi last week nagka-lagnat ka na. Labor Day weekend naging Sunday pa! Sa bahay na lang ba? Hala, paano ba? Huwag magalala, ito’ng sagot sa malala mong problema.
Naipon na ang labahan mo nung April. Umaapaw na, ‘di ka ba nahihiya? Medyo may amoy na ata diyan, kaya halina sa tindahan. Maglabas ng diyes, pambili ng Breeze. Paikutin ang washing machine at ilagay ang sabon parang betsin. Ayan, tanggal ang odor, tandaan lamang: hiwalay ang puti sa dekolor!
Puwede ka rin maglaro sa loob o sa labas ng kuwarto mo. Sa loob, maghabol ka sa computer games; sa labas, mag-exercise para sa gains. Pagurin ang utak, pagurin ang katawan, bitbit ang barbell o control pad na hindi mo mabitawan. Basta lang may magawa, kumilos para hindi lang sa bahay nakatanga.
Para sa hindi mapakali, maglibot-libot na lang. Tumambay kung saan-saan, basta lang may mapuntahan. Magpalamig sa mall, kumain sa mga food stall. Kung may pera, eh ‘di mag-shopping! Kung wala, tumingin na lang sa salamin! Masabi lang na nakalabas, pampabilis ng bukas.
Mainit at dapat ka ring nasa tubig kahit hindi sa Laboracay. Ang panalo diyan, ‘pag may swimming pool ka sa bahay. Otherwise, mag bath tub ka na lang o maglublob sa drum parang nung musmos ka pa lang.
Sa mga natutuwang naubos bigla ang tao sa Manila, ang Labor Day, itutulog na lang nila. Wala nga namang manggugulo, nakahilata ka lang sa kama mo, panalo! ‘Pag ito pinili mo, tiyak miyembro ka na ng kain-tulog gang—na walang ibang ginawa kung hindi kumain at matulog na walang hanggan.
Palusot: ang Friday, Saturday, at Sunday ay palaging cheat day. Sa bahay, ikaw ang hari-harian sa kusina, kaya lamon pa! Puwedeng laing, a la king, lansones, labuyo, lagundi, lapu-lapu, paella, at lasagna! O kaya magluto ka, pakainin ang buong barangay! Kayang-kaya! ‘Di ba nga, ‘pag may tiyaga may dalaga este nilaga?
Ito, pampalimot ng FOMO mo. Lambanog kung gustong mamatay, o cognac na galling kay tatay. Shot ka pa, sige lang, puno pa ang bote ng tequila. May longneck na Empi o ‘yung napitik mong Henessy; maghimagas sa Red Horse pagtkatapos tumungga ng kuwatro kantos. Para muli kang umibig, ‘wag kalimutang uminom ng tubig!
Huwag maglalaslas at huwag maglalason. Isipin mo, baka may katulad kang naiwan rin ngayon. Diskartehang mabuti ang swipe left or swipe right, huwag rin masosobrahan sa San Mig Light. Scroll mo lang ang friends list sa FB, malay mo online pala si future “baby.” Sige, message mo ng “what’s up?” bukas, sasagutin ka niyan ng, “still up?”
Ano pa ibang pLAno mo ngayong Labor Day weekend? Sound off in the comments!
Input your search keywords and press Enter.