8List | 751 views

Diskarteng Colonel You Will Need During Gapang Week

Diskarte lang yan.

| October 12, 2017

Diskarteng Colonel

You Will Need

During Gapang Week

By 8List

Moments from Volleyfriends UAAP Volleyball Kick Off SHAD

Relax brad, we’ve all been there. Parang anlayo pa ng suweldo pero andami mong kailangang pondohan. Buti na lang meron tayong recommendations para maitawid ang gapang week:

Diskarteng Colonel 1: Be An Aquaman

Mainit sa ‘Pinas. Kelangan mo uminom parati. Pero may paraan para di gumastos sa inumin. Magdala ng tumbler at mag-refill ng tubig bago lumabas sa opisina. ‘Pag may nagtanong, sabihin mo maselan tiyan mo.

 

Diskarteng Colonel 2: Plandid Pa More

‘Di porket gapang week, mukhang gapang na rin ang IG photos mo. Wala na nga laman bulsa mo, mukha ka pang pobre. Kaunting suklay, kaunting kilay–pakak! O diba? Di ka na mukhang dukha!

 

Diskarteng Colonel 3: Stay-in Cinema

Nagyayaya ng date si bae, kaso petsa de peligro. Buti na lang marami kang nakatabi na mga pelikula sa hard drive mo. Piliin mo na lang kung alin ang magugustuhan ni bae. Kung horror trip nya, mas maganda: SIguradong me hugging na magaganap!

 

Diskarteng Colonel 4: Side B

Wala namang makakaalam nito. Isang linggo na lang naman, makakapag-laundry ka na ulit. Sige lang. Siguradhuin mo lang na may sapat na distansiya ka mula sa kausap mo, ayus na yan.