Diskarteng Colonel

You Will Need

During Gapang Week

By 8List

Moments from Volleyfriends UAAP Volleyball Kick Off SHAD

Relax brad, we’ve all been there. Parang anlayo pa ng suweldo pero andami mong kailangang pondohan. Buti na lang meron tayong recommendations para maitawid ang gapang week:

Diskarteng Colonel 1: Be An Aquaman


Mainit sa ‘Pinas. Kelangan mo uminom parati. Pero may paraan para di gumastos sa inumin. Magdala ng tumbler at mag-refill ng tubig bago lumabas sa opisina. ‘Pag may nagtanong, sabihin mo maselan tiyan mo.

 

Diskarteng Colonel 2: Plandid Pa More

‘Di porket gapang week, mukhang gapang na rin ang IG photos mo. Wala na nga laman bulsa mo, mukha ka pang pobre. Kaunting suklay, kaunting kilay–pakak! O diba? Di ka na mukhang dukha!

 

Diskarteng Colonel 3: Stay-in Cinema


Nagyayaya ng date si bae, kaso petsa de peligro. Buti na lang marami kang nakatabi na mga pelikula sa hard drive mo. Piliin mo na lang kung alin ang magugustuhan ni bae. Kung horror trip nya, mas maganda: SIguradong me hugging na magaganap!

 

Diskarteng Colonel 4: Side B


Wala namang makakaalam nito. Isang linggo na lang naman, makakapag-laundry ka na ulit. Sige lang. Siguradhuin mo lang na may sapat na distansiya ka mula sa kausap mo, ayus na yan.

Diskarteng Colonel 5: Supermarket is your Best Friend


Kapag mahaba-haba pa ang titiising gutom, magmadali sa pinakamalapit na supermarket. Hanapin ang mga free samples. Pag sinuwerte ka, mayroon ding free samples ng mga inumin. Huwag ka nga lang mang-hoard. Yung sapat lang.

 

Diskarteng Colonel 6: Baby Oil Pomada


Mahaba-haba na rin yang nasa bandang patilya mo pero mahal magpagupit. At kung kulang din budget para sa wax, pwede na yang baby oil pang-style ng buhok. Huwag ka lang magbilad sa araw masyado.

 

Diskarteng Colonel 7: Messenger muna


Galing talaga ng internet. Di mo na kailangang mag-text kung kapos sa budget. Antayin mo lang makarating sa opisina tapos mag-messenger ka na lang para libre ang usapan niyo ng beshies mo. Sulitin mo nga lang at siguraduhing sapat ang tsikahan nyo habang naka-connect ka sa WiFi ng opisina.

 

Diskarteng Colonel 8: Presentation Level 9000

Minsan, ang Date Night niyo ni bae tiyempo sa gapang week. Ganito yan: Mag-take out ka ng Teriyaki Flavor Shots for 2 ng KFC. Pag dating mo sa bahay, ilipat sa plato. Ayusin mo plating (huwag sayangin ang pag-marathon ng cooking shows). Maghanap ng dahon sa neighborhood, lagyan ng garnish–Voila! Perfecto delicioso!

 

Di na kailangang magtiis pag gapang week with KFC’s Teriyaki Flavor Shots– KFC’s signature Fun Shots drenched with sweet Japanese Teriyaki sauce topped with sesame seeds and paired with steaming rice–kasarap nire e! Sobrang affordable pa: P 50 Ala-carte, P65 with regular drink, P85 with regular drink and soup, at P99 with regular drink, soup and brownie*. Kayang-kaya! Diskarte na! Punta na sa KFC near you!

*Prices vary per store

Share your comments: